Tagbanwa
Indigenous Tagbanwa People
ALAMAT NOONG UNANG SIGLO SA PALAWAN
Ayon sa kasaysayan ng mga matatandang ninuno ng mga katutubong Tagbanwa ang Palawan ay wala pang nakatakdang mga pangalan ang mga sagradong lugar, mga gubat at kabundukan; at lalong hindi nila alam ang kanilang pinagmulan. Subalit isang gabi na kabilugan ng buwan, mayroong isang mag-asawang dinalaw ng kahimalaan sa kanilang barong-barong na tinitirahan.
Nakita nila ang isang matandang nakatayo sa kanilang pintuan na nagpanggap na siya ay isang pulubi galing sa silangan at siya ay nagpa alam na magpapahinga lamang. Tinanggap siya ng mag-asawa, pinakain at binigyan ng higaan, ngunit ilang saglit lang ay naglaho ang matanda sa higaan. Kung kaya nag-isip ang mag-asawa kung anong uri ng kahimalaan ang naganap sa kabilugan ng buwan; sila ay nanahimik na lamang upang hintaying muli ang pagsapit ng kabilugan ng buwan.
At hindi naglaho ang panahon ng magliwanag ang mundo ay anong laking katuwaan ang kanilang naramdaman ng ang isla na kanilang tinitirhan ay nagkaroon na ng kalupaan, gubat at kabundukan; gayundin ng ibong nagliliparan. Kaya ang mag-asawa ay nagtawag ng pagpupulong upang pag-usapan ang pag-aalay sa pagpapasalamat sa diwata Mangindoza na kanilang sinasamba sa tuwing sumasapit ang kabilugan ng buwan. Yan ang kasaysayan ng mga katutubong Tagbanwa noong unang siglo sa Palawan.
A FOLKLORE from the First Century in Palawan
According to the history of the elder ancestors of the indigenous Tagbanwa people, Palawan did not yet have designated names for its sacred places, forests, and mountains; and they certainly did not know their origins. However, one full moon night, a couple living in their humble hut experienced a miracle. They saw an old man standing at their doorway, pretending to be a beggar from the east, and he asked for a place to rest.
The couple welcomed him, fed him, and gave him a bed, but after a short while, the old man vanished from the bed. So the couple wondered what kind of miracle had occurred on that full moon night; they remained silent, waiting for the full moon to come again. And time did not pass long before the world became bright, and to their great joy, the island they lived on now had land, forests, and mountains; as well as birds flying around.
So the couple called for a meeting to discuss offering thanks to the deity Mangindoza whom they worshipped every full moon. That is the history of the indigenous Tagbanwa people in the first century in Palawan.
ALAY SA PAGPAPASALAMAT
Noong unang panahon ang mga katutubong Tagbanwa ay ang mga unang nilikha sa isla ng Palawan. Malaya silang magpalipat lipat saan mang gubat at kabundukan para maghanap buhay at kung saan sila ay nagtitipon sa bawat sagradong lugar upang sila ay mag-alay bilang pag papasalamat sa diwata Mangindoza na kanilang panginoong sinasamba.
Ito ang ritwal ng mga ninuno ng mga katutubong Tagbanwa noong unang panahon sa tuwing sumasapit ang kabilugan ng buwan sa bundok nga Tagabato o Banwat Tarwangin sa tawag ng katutubo.
OFFERING OF GRATITUDE
A long time ago, the indigenous Tagbanwa people were the first inhabitants of the island of Palawan. They were free to move from one forest and mountain to another to make a living. They would gather in sacred places to offer their thanks to the deity Mangindoza, the lord they worshipped. This was the ritual of the ancestors of the indigenous Tagbanwa people in ancient times, whenever there was a full moon on Mount Tagabato, or Banwat Tarwangin as the natives called it.
ALAY SA KARAGATAN
Ang alay sa karagatan ay isang mahalagang ritwal mula sa mga ninuno ng katutubong Tagbanwa noong unang panahon ng maganap ang tatlong sunod-sunod na malalaking alon na nagsampa sa kabundukan. Subalit sila ay naligtas sanhi ng isang mensahe sa panaginip mula sa kanilang diwata Mangindoza na kanilang sinasamba tuwing sumasapit ang kabilugan ng buwan. Kaya ang pag-aalay na ito ay bilang pag papasalamat sa kanilang kaligtasan.
OFFERING TO THE OCEAN
The offering to the ocean was an important ritual among the ancestors of the indigenous Tagbanwa people in ancient times, after three successive large waves washed up onto the mountains. However, they were saved due to a message in a dream from their deity Mangindoza, whom they worshipped every full moon. Therefore, this offering was made as a thanksgiving for their safety.